Add parallel Print Page Options

43 Gayon sinalita ko sa inyo, at hindi ninyo dininig; kundi kayo'y nanghimagsik laban sa utos ng Panginoon, at naghambog at umakyat sa bundok.

44 At ang mga Amorrheo na tumatahan sa bundok na yaon, ay nagsilabas na laban sa inyo, at kayo'y hinabol, na gaya ng ginagawa ng mga pukyutan, at kayo'y tinalo sa Seir, hanggang sa Horma.

45 At kayo'y bumalik at umiyak sa harap ng Panginoon; nguni't hindi dininig ng Panginoon ang inyong tinig, ni pinakinggan kayo.

Read full chapter